sige umalis ka na
hindi ka na pipigilan pa
hindi na kita kayang hawakan pa
sige na umalis ka na
dalhin mong lahat ng mga bagay na to
kung ito ang nagpapaganda ng mundo mo
binigay ko sayo ang iyong mga pangarap
dahil para sa akin ikaw ang alapaap
ito pala ang kapalit ng lahat
iniwan mo ang puso kong may lamat
sa tingin mo ba hindi ko alam?
sa tingin mo ba wala silang pakielam?
sa mga tropa ko lang ito nabalitaan
ikaw talaga ang may kasalanan
isa kang bato na sobrang lamig
init ng pagibig ko dalian mong nadaig
binabawi ko nang sinabi kong mahal kita
sana sa kanya’y maging masaya ka.
